Nitong nakaraang lunes pa umano nagsumite ang tanggapan ni Cotabato City Mayor Bruce Matabalao ng request at sinertipikahan pa ito bilang urgent ang 1st Tranche ng taas sahod ng mga plantilla personel ng pamahalaang lungsod.

Naging tugon ito ng alkalde sa tanong ng kumite sa kaban at laang gugulin o finance and appropriations ng 17th Sangguniang Panlungsod kung bakit sa ipinatatawag na pagdinig ng kumite ay walang dumadalo mula sa tanggapan ni Matabalao.

Ayon kay Matabalao, dahil nakapagsumite na ang kanyang opisina, wala na aniyang dapat pang dahilan ang Sangguniang Panglungsod na iantala ito at dapat ay naibigay na ito noon pang Agosto 2 hanggang katapusan ng Disyembre ngayong taon.