Naresolba ang isang matagal na alitan ng mga angkan o rido sa bayan ng Shariff Saydona Mustapha matapos ang isang peace settlement na isinagawa nitong Enero 12, 2026 sa Headquarters ng 6th Infantry Battalion sa Barangay Buayan, Datu Piang.

Ang hidwaan na kinasangkutan ng mga pamilya nina Datunino Ibrahim at Aladin Singh ay tinuldukan sa pamamagitan ng dayalogo at kasunduang nilagdaan ng magkabilang panig. Sa ilalim ng kasunduan, nangako ang dalawang pamilya na ititigil na ang anumang sigalot at igagalang ang kapayapaan sa kanilang komunidad.

Naging bahagi ng proseso ng pagkakasundo ang koordinasyon ng militar, mga kinatawan ng peace sector, at mga tagapamagitan mula sa lokal na pamahalaan at MILF-CCCH upang matiyak na maayos at ligtas ang isinasagawang pag-uusap.

Ayon sa mga opisyal na nangasiwa sa proseso, layunin ng settlement na maiwasan ang muling paglala ng alitan at mapanatili ang kaayusan sa lugar.

Inaasahan ding magsisilbi itong hakbang upang mapalakas ang tiwala at kooperasyon ng mga komunidad sa pagpapanatili ng kapayapaan at seguridad sa lalawigan.

Photos from 6th Infantry “Redskin” Battalion