Sa hinaba haba ng proseso, sa pagkakasundo pa rin ang tungo. Pormal nang naresolba ang umabot na sa dekadang Clan Feud o Rido sa Baryo Mudseng sa Kadayangan, SGA- BARMM.
Ito ay naisakatuparan sa pamamagitan ng mga mahkakatuwang na ahensya sa rehiyon gaya ng Bangsamoro Regional Government sa pamamagitan ng Ministry of Public Order and Safety o MPOS-BARMM, LGU ng Kadayangan-SGA, PNP, AFP, CCCH MILF, at SGA-DA o Special Geographic Area Development Authority.
Ang naging pagkakasundo ay hindi lang basta nagsara at nagresolba sa matindi at mga nakaraang bangayan kundi mas lalo nito na napaigting ang pagkakaisa, tulungan at pagtataguyod ng pangmatagalang kapayapaan sa Kadayangan.
Ang programa din na ito ay naglalayong mabawasan ang mga rido or clan feud cases sa rehuyon na siyang pangunahing programa naman ng MPOS sa ilalim ng tinatawag na ADR o Alternative Dispute Resolution.