Umakyat na sa 46 ang kumpirmadong nasawi sa mga pagbaha sa estado ng Minas Gerais sa southeastern Brazil, matapos matakpan ng putik at debris ang mga tahanan at bayan, ayon sa ulat ng mga awtoridad.

Ipinahayag ng state fire department noong Miyerkules na may 21 katao pa ang nawawala, habang sa 46 na nasawi, 40 ang nagmula sa lungsod ng Juiz de Fora at anim naman sa kalapit na bayan ng Uba.

Ayon sa mga ulat, ang matitinding pag-ulan sa southern Brazil ay nagdulot ng pag-apaw ng mga ilog at pagguho ng lupa sa mga burol, na bumalot sa mga tahanan at nabaon ang maraming tao.