Naglabas ng ulat ang Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ngayong Martes ng umaga, Oktubre 14, 2025, kaugnay sa lagay ng panahon sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).
Ayon sa ulat na inilabas ganap na alas-5:00 ng umaga at epektibo hanggang bukas ng parehong oras, patuloy na makaaapekto sa malaking bahagi ng Mindanao ang mga localized thunderstorms.
Inaasahan ang bahagyang maulap hanggang maulap na kalangitan sa buong rehiyon ng BARMM, kalakip ng mga pansamantalang pag-ulan at pagkulog-pagkidlat bunsod ng localized thunderstorms.
Binabalaan din ang publiko sa posibilidad ng flash floods at landslides, lalo na sa mga lugar na maaapektuhan ng malalakas na pag-ulan.
Pinapayuhan ang mga residente na manatiling alerto at patuloy na makinig sa mga weather updates mula sa mga kinauukulang ahensya para sa kanilang kaligtasan.
SOURCE: Pagasa Cotabato Station