Sugatan ang isang may-ari ng bar matapos pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang suspek bandang alas-7:00 ng gabi noong Setyembre 17, 2025 sa Purok 7, Barangay San Isidro, Midsayap, Cotabato.

Agad na isinugod sa ospital ang biktima sa tulong ng mga rescuers ng bayan at kasalukuyang inoobserbahan ang kanyang kalagayan.

Patuloy namang nagsasagawa ng imbestigasyon ang Midsayap PNP upang alamin ang motibo sa insidente at matukoy ang salarin.