Nanawagan ang Cotabato City PNP na itigil na ang paggawa at paggamit ng mga pekeng ID.

Ayon kay PLT. Rochelle Evangelista, tagapagsalita ng Cotabato City Police, may mabigat na kaparusahan sa ilalim ng batas ang sinumang gumagawa, nagbebenta, nagpapagawa, o gumagamit ng pekeng identification documents—lalo na kung ito ay ginagamit sa panloloko.

Babala pa niya, mas madali na ngayong matukoy ang mga ito lalo na sa mga bangko at iba pang financial institutions.

Paalala ni PLT. Evangelista sa publiko: huwag makipagtransaksyon sa mga gumagawa ng pekeng dokumento. May babala rin siya sa mga online scammers—may mga awtoridad nang nagbabantay sa social media, kabilang na ang PRO-BAR Anti-Cybercrime Unit.

Dagdag pa niya, “Tigilan na ang ganitong gawain habang maaga pa.”