Ilang STL outlets sa bayan ng Datu Odin Sinsuat ang tila di tinatablan ng kahihiyan sapagkat kahit ang kanilang hawak na prangkisa ay paso na, patuloy pa rin silang umaariba sa operasyon.

Hanggang ngayon, may mga nagooperate pa rin na Small Town Lottery Outlets sa DOS kahit ito ay may inbalido o paso nang prangkisa.

Halos kalahati ng bilang ng mga STL outlets sa bayan ang nagpapataya pa rin at walang takot na sinusuway ang batas.

Sa ngayon, dahil nga sa paso na ang kanilang prangkisa ay iligal na ang kanilang operasyon sa buong Maguindanao Norte, Sur at maging sa lungsod ng Cotabato.

Humingi na rin ang Philippine Charity Sweepstakes Office o PCSO ng tulong sa PRO BAR sa pamamagitan ng liham upang masawata ang iligal na operasyon nito habang in effect o may bisa pa rin ang EO na pinirmahan ni Cotabato City Mayor Bruce Matabalao na nagpapahinto sa operasyon ng mga STL outlets sa lungsod.