Ikinalugod ng maybahay ni former ARMM Governor Datu Zaldy Ampatuan na si Datu Hoffer Mayor Bai Bongbong Midtimbang-Ampatuan ang pahayag ni Dating Maguindanao Governor at Congressman Esmael “Toto” Mangudadatu na may posibilidad na mapawalang sala ang mister nito kasunod ng kinasangkuran nitong Maguindanao Massacre noong 2009.

Ayon kasi sa pahayag ng dating kongresista at gobernador, pinakatarget o tinutumbok lamang ng mga pamilya ng biktima na panagutin sa sala ay ang mga may tinatawag na direct participation o direktang ugnay sa naganap na karumal-dumal na krimen.

Giit din naman ni Toto na ang desisyon para rito ay nasa kamay na ng mga nasa Korte Suprema at ito aniya ang magde-determina kung lusot o hindi sa kaso si Ampatuan.

Hindi na aniya nagbigay pa ng pahayag ang alkalde bagkus maituturing niya ito bilang ‘welcome development’ bilang nagkaisa na ang pamilya ng mga Mangudadatu ng Buluan at ang mga Midtimbang-Ampatuan.