“Di kita uurungan, kahit saan at kahit kailan”.
Yan ang maanghang na pahayag ni Cotabato City Councilor Abdulrakim Usman kay Cotabato City Mayor Bruce Matabalao matapos na sagutin nito ang pressconference ng konsehal kahapon sa isang FB post.
Nagkasagutan pa ang dating magkaalyado sa comment section ng post ng nasabing alkalde at doon na nagpalitan ng mga salita at kasahan ng hamon.
Hinamon pa ni Matabalao ang naturang konsehal ng isang debate sa kahit saan o sa alin mang istasyon ng radyo o telebisyon bagay naman na kinasahan ni Usman.
Tutal naman daw ay nauna syang maghamon ng audit ay kakasahan din nito diumano ang alkalde sa inihahamon din nitong debate.
Nag-ugat ang sagutan matapos na magpatutsada ang nasabing alkalde na nagagrandstanding at nagpapaandar si Usman diumano sa sangguniang panglungsod bagay naman na pinalagan ni Usman sa pamamagitan ng isang presscon kahapon.
Agad namang sinagot ng GO AHEAD ni Matabalao ang nasabing pagkasa sabay sabi nito na MAY NANALO NA sa komento nito kay Usman.