Patigasin nyo pa ang inyong ulo para may pagkalagyan kayo.

Ito ang babala ni Cotabato City Mayor Bruce Matabalao sa mga kabataan at binatilyong matitigas ang bungo at patuloy na gumagamit ng open pipe o may modified muffler na motorsiklo at patuloy parin na sumasali sa mga iligal na karera o drag race.

Ayon kay Mayor Matabalao, di pa rin humihinto ang direktiba nito sa Cotabato City Police Office o CCPO sa panghuhuli at pangungumpiska sa mga gumagamit ng naturang open pipe.

Mabigat na babala din ng alkalde na bukod sa nakakalulang multa, papasagasaan pa nito sa pison ang mga nakumpiskang open pipe mufflers sa harap ng City Hall Grounds upang di na ito mapakinabangan pa ng mga susubok na kuhain ito.