Pagkababa pa lamang mula sa Awang Airport matapos ang biyahe sa Maynila, agad nagsagawa ng ocular inspection si Cotabato City Mayor Bruce Matabalao sa city plaza upang personal na silipin ang kalagayan ng mga vendor sa lugar.
Matatandaang pansamantalang ipinatigil ni Mayor Matabalao ang pagtitinda sa plaza bunsod ng mga natanggap na reklamo at ng hindi kaaya-ayang kondisyon ng paligid.
Ayon sa alkalde, plano nilang tayuan ng maayos na stalls ang mga vendor, ngunit may kundisyon—kinakailangang kumuha ang mga ito ng special permit na kailangang bayaran at i-renew taun-taon.
Paliwanag ni Mayor Matabalao, layunin ng hakbang na ito na maiwasan ang pananamantala sa hanay ng mga manininda at matulungan silang mailagay sa legal at maayos na estado ang kanilang kabuhayan.