Miscommunication at di pagkakaunawa sa pagitan ng Barangay at ng Siyudad.
Yan ang iginiit ni Cotabato City Mayor Bruce Matabalao sa isang presscon sa Tilagad sa Barangay sa Barangay Rosary Heights 7 ngayong umaga dahil sa bintang ng kapitan ng Poblacion Singko (5) na si Fahima Pasawiran Pusaka na pinapatanggal di umano ng City Government ang mga CCTV cameras nito at ang panghaharass di umano ng kawani ng Public Safety ng lungsod
Ayon kay Matabalao, di nya palalampasin ang mga ganitong uri ng reklamo at nanawagan ito kay Pusaka na gawing legal ang pagrereklamo sa pamamagitan ng notaryadong papel.
Ani Matabalao, hindi nya gagawin na mangharang ng mga proyekto na makakatulong sa tao gaya ng CCTV cameras at ang kanilang ginawa lamang ay ang identification ng mga CCTV kung ang mga ito ba ay sa lungsod o sa barangay.
Dahil dito, hinamon ni Matabalao si Pusaka na patotohanan nito sa pamamagitan ng isang notaryadong papel ang kanyang reklamo at kung mapatunayan ng pamahalaang lungsod na hindi totoo o walang basehan ang paratang ng kapitan ay kanila itong babalikan at kakasuhan.