UNFAIR o hindi patas ang imbestigasyon ng mga otoridad sa naging pananambang kay Kapitan Edris Ayunan noong nakaraang buwan.

Ito ang inilabas na sama ng loob ni Kapitan Bimbo Ayunan ng magsalita ito bilang panauhin sa naging pamimigay ng tulong ng partidong SIAP at Barangay Rosary Heights 10 nitong lungsod ngayong araw.

Aniya, mas lalong nagpabagal sa hinihinging hustisya ng pamilya sa tangkang pananambang ang pakikialam diumano ni Cotabato City Mayor Bruce Matabalao sa kaso.

Ayon sa kapitan, kung hindi nakialam at nakisawsaw ang alkalde sa kaso ay tapos na sana ang imbestigasyon dito.

Dahil dito, naglabas ng sama ng loob ang kapitan at iginiit nito na wag na sana makialam ang alkalde sa kaso upang malutas na ito.

Sinusubukan naman ng Star FM Cotabato na hingin ang reaksyon ng alkalde sa naging pasabog ni Ayunan ngunit wala pang sumasagot sa panig nito.