Matapos ang matinding trapiko at kilos-protesta ng mga tricycle driver mula Sultan Kudarat sa Delta Bridge, kinumpirma ng lokal na pamahalaan ng Cotabato City na naayos na ang sitwasyon.
Nagpasalamat si Mayor Bruce Matabalao sa transport group ng Sultan Kudarat, sa pangunguna ni Datu Naga, dahil sa kanilang pag-unawa at kahandaang makipagtulungan sa city government.
Una nang nagprotesta ang mga tricycle driver dahil sa umano’y pagbabawal sa kanilang pagpasok sa lungsod. Ngunit nilinaw ni Mayor Matabalao na hindi ipinagbabawal ang pagpasok ng mga tricycle mula Sultan Kudarat, kundi ang paggamit lamang ng illegal terminal sa Mega Market area ang hindi pinahihintulutan.
Nanawagan ang LGU ng patuloy na kooperasyon mula sa mga sektor upang mapanatili ang kaayusan sa lungsod.