Inanunsyo ni re-elected Cotabato City Mayor Bruce Matabalao na nakatakdang kasuhan ang ilang mga guro na umano’y sangkot sa anomalya noong nakaraang eleksyon.

Ayon sa alkalde, ito ay hindi upang maghiganti kundi para magbigay ng leksyon at itaas ang antas ng eleksyon sa lungsod.

Giit ni Matabalao, “Hindi pwedeng palampasin ang ganitong uri ng pandaraya. Kailangang managot ang mga responsable.”

Dagdag pa niya, isusulong ng kanyang kampo ang parehong administrative at criminal charges laban sa mga gurong sangkot.

Aniya, ang halalan ay dapat magpakita ng tunay na kagustuhan ng taumbayan, at hindi dapat nababahiran ng pandaraya mula sa mga taong may tungkuling maging neutral sa proseso.