Welcome development para kay Cotabato City Mayor Bruce Matabalao ang pagsasampa ng inquiry in aid of legislation ng mga mambabatas ng BTA Parliament hinggil sa naging mass termination ng 3,000 katao na COS employees ng lungsod kamakailan.
Ayon sa naging statement ni Matabalao, ikinagagalak at nagpapasalamat aniya ito sa Parliamento dahil nabigyang pansin aniya ang suliranin na kumukulapol sa lungsod.
Ayon sa alkalde, handa sya at ang kanyang mga department heads na humarap sa magiging pagdinig sa usapin sa lalong madaling panahon.
Dagdag pa ni Matabalao na kung may mga iba pang ahensya na magpapatawag sa kanila kagaya ng MILG, DBM at iba pa ay sila ay agarang tatalima.
Ang naturang statement ay kasunod ng naging aksyon ng mga Members of Parliament sa pangunguna ni MP Atty. Teng Ambolodto na hinihimok ang Committee on Local Government na magpatawag na agad ng pagpupulong upang masolusyunan ang nasabing usapin ng mass termination sa City LGU.