Balik na muli sa serbisyo si Isulan, Sultan Kudarat Mayor Tess Pallasigue matapos na magpalabas ng Stay Order ang opisina ni Pangulong Bongbong Marcos partikular na ang Office of the Deputy Executive Secretary for Legal Affairs.

Sa katunayan ayon nga sa administrador ng bayan at anak nito ma si Municipal Administrator Andrew Pallasigue ay nakipagpulong na agad ang ina nito sa mga kawani at mga heads of department sa munisipyo.

Ang stay order ni Pallasigue na inilanas noong Setyembre 25 ay naging epektibo kinabukasan, Setyembre 26. Paliwanag ni Administrator Pallasigue, iniutos ng SO ang pagsuspende sa labin limang buwan na suspensyon na ipinataw ni SK Governor Pax Ali Mangudadatu habang pinagaaralan pa ng palasyo ang tugon sa apela ng kanyang ina.

Ang naging suspensyon ay bunga ng kasong inihain nina Isulan Vice Mayor Arnold Armada at ilang konsehales na inapela agad ng alkalde sa tanggapan ng pangulo.