Nagcourtesy call o bumisita sa tanggapan ni Minister of Basic Higher and Technical Education Mohagher Iqbal kamakalawa, December 2, 2024 ang mga opisyales ng Maguindanao del Norte Provincial Police Office sa pangunguna ni Acting Provincial Director PCol Joel Estaris at mga kasamahan nito.
Natalakay sa naturang pagbisita ang mga hakbangin ng MDNPPO upang mapanatili ang kapayapaan at seguridad sa probinsya. Si Minister Iqbal na former warrior ng MILF o Moro Islamic Liberation Front ay isa sa mga pangunahing tagapagtaguyod at opisyal ng Bangsamoro Government.
Ang pagbisita ayon sa MDNPPO ay isang daan upang mapanatili ang pagkakaisa sa pagitan ng mga tagapagpatupad ng batas at ng Bangsamoro Government upang magkaroon at mapanatili ang payapa at progresibong komunidad.