Dahil sa ginawang kagalingan na nagbunsod sa matagumpay na pagsasagawa ng Buy-Bust operation noong buwan ng Mayo sa lalawigan ng Lanao Del Sur na nagresulta pagkakahuli ng isang High Value Target ng pulisya, ginawaran kahapon, araw ng Lunes ng Police Regional Office-BAR ang mga kapulisan na sumali sa naturang operasyon.

Isinagawa ang naturang pagpaparangal sa Flag Raising Ceremony sa kampo BGen. SK Pendatun sa bayan ng Parang Maguindanao del Norte at naparangalan ng naturang medalya sina PLT Timothy Lappao, PSMS Yusoph Antonio, PCpl Acmad Badio, Pat. Nasimah Abdulfatah at Pat. Inserah Mangcol. Pinangunahan ni Provincial Director PBGen. Prexy Tanggawohn ang naturang pagaalay ng medalya sabay na rin ang pagpapahayag ng pasasalamat nito sa mga tauhan na may dedikasyon at pagmamahal sa serbisyo, sa PNP at sa mamamayan.

Sinamantala din ng direktor ang oportunidad na ipagmalaki ang mga accomplishments ng PRO BAR upang mapanatili ang kapayapaan ng rehiyon lalot papalapit na ang filing ng COC para naman sa darating na halalan sa susunod na taon.