Nakabenepisyo sa isinagawang serbisyong medikal ng BARMM Grand Coalition na tinawag na “Serbisyong Tampil sa Maguindanao Del Norte”
ang aabot tatlong-libong (3,000) residente sa Maguindanao Del Norte.

Ang inisyatibong ito ay pinangunahan ni Former TESDA Sec. Suharto “Teng” Mangudadatu, Parang Vice Mayor Adnan Biruar at Parang Mayoralty Candidate Mimbalawag Barok Mangutara.

Isang libo (1,000) nakabenepisyo sa libreng medikal na konsultasyon, limandaan (500) dental consultation at serbisyo, isandaan (100) kabataan ang nakinabang sa libreng tuli, isang libong (1000) residente din ang inayudahan ng libreng graded eyeglasses at eye consultation, at feeding program sa mga benepisyaryo.

Bukod sa mga libreng serbisyong medikal, namahagi din sila libreng gamot, legal consultation at nagparaffle pa ang mga ito na kung saan mga appliances ang premyo.

Inaasahan namang iikot pa sa iba’t ibat bangaray ang programang medikal ‘Serbisyong Tampil’ sa lalawigan ng Maguindanao Del Norte.