Naging mabunga ang pagsama sama ng ibat ibang mga sektor sa isinagawang forum na may kaugnayan sa kalusugang mental at disability ng mga manggagawa sa ibayong dagat o Migrant Workers sa BARMM region.

Nanguna sa nasabing pagtitipon ang Kaagapay OFW katuwang ang mga 70 stakeholders na ginanap sa Alnor Convention Center. Ayon kay Kaagapay Executive Director Goldy Omelio, kanilang layunin sa programa ang magbigay ng lugar sa pagtalakay sa iba’t-ibang mga issue na kinakaharap ng mga nakapagtrabaho na sa ibang bansa.

Kabilang sa mga dumalo sa aktibidad ang mga partisipante mula sa ibat ibang ahensya sa rehiyon, mga dating OFW at ang OWWA BARMM.