Narescue sa isang lote ng dating kapitan ang isang mentally-challenged na indibidwal sa Barangay Kawayanon, Makilala sa Cotabato Province.

Ito ay bunsod sa reklamo ng ilang residente sa lugar kabilang na ang pagpapakita ng pribadong parte ng katawan, nambubugbog at nantitirador ng mga residente at nanghahabol ng taga at ang pagsunog sa ilang bahay sa barangay.

Sa ilang araw na paghahanap ng Barangay at kapulisan, katuwang ang mga residente ay nakakatakas ito subalit kagabi ay nahanap at natsambahan na rin ito.

Pinakahuling biktima nito ay ang dalawang anak ng nanay na si Alyas Juvelyn na ang isa ay menor de edad at hinabol ng taga habang ang kapatid nito ay tinirador at ang tiyuhin naman nito ay muntik nang bolohin ng naturang personalidad.

Dahil sa pangamba at takot, di nakakapasok ng trabaho si Juvelyn na ngayon ay nasa ibang bansa.

Dahil sa sobrang pagkabayolente, napagdesisyunan na lang ng kapulisan at nang barangay na iturnover ito sa DSWD ng bayan.