Mauupo pa rin ang mga naging appointed na opisyales ng lalawigan ng Maguindanao del Norte kahit na ito ay nagsumite na ng kanilang COC.
Ito ang sagot sa naging pagsangguni ng mga itinalagang opisyales ng batikan na abogado na si Atty. Israelito Bobot Torreon kasunod ng pagpapahinto ng korte suprema sa pagpapatupad ng Section 11 ng Comelec Resolution Number 11045 na nagpapahintulot sa mga naitalagang opisyales na manatili sa pwesto kahit pinangalanan na ang mga ito na party-list nominees.
Base sa ibinigay na opinyon ni Atty. Torreon, ang isang incumbentong punomg lalawigan o gobernador na itinalaga ng pangulo para sa isang elective position ay nananatili at kinukunsiderang halal din na opisyal.
Ito ay aniya dahil sa elective in nature ang nasabing posisyon, anupaman ang naging hulma ng pagtanggap o paano man nagassume ang isang opisyal sa tanggapan nito.
Sa naging huli na paliwanag ng manananggol na si Torreon, ang nakasaad na deemed resigned na ruling ay para lamang sa mga itinalaga o opisyales na umuukupa ng isang pwesto sa bisa ng pagtatalaga na ginawa ng isang may kapangyarihan na magtalaga katulad ng mga kalihim, bureau heads, mga under and assistant secretaries at iba pang mga itinalagang opisyales ng pamahalaan.