Naka-recover ng iba’t ibang armas at improvised explosive devices (IEDs) ang 89th Infantry (Makatao) Battalion sa isinagawang intelligence-driven operation noong March 27, 2026 sa mga barangay ng Kipaypayon at Mahayag, Quezon, Bukidnon.
Kabilang sa narekober ang dalawang M79 grenade launchers, dalawang KG9 submachine guns, tatlong improvised shotguns, isang pistol-type shotgun, isang caliber .45 pistol, apat na .357 revolvers, isang .38 revolver, isang .38 pistol-type firearm, at isang .22 caliber pistol. Narekober din ang dalawang IEDs, isang hand grenade, dalawang sirang Baofeng radios, mga subversive documents, ilang bala, at iba pang parte ng armas.
Lahat ng narekober na kagamitan ay na-secure at dinala sa headquarters ng unit para sa tamang disposisyon.
Ayon sa ulat, malaking bahagi ng operasyon ang nakabatay sa impormasyon at pakikipagtulungan ng mga lokal na residente. Binanggit din na ang aktibong partisipasyon ng komunidad ay nakatulong sa pagtukoy at paghadlang sa potensyal na banta ng insurhensiya.

















