Kasabay ng flag ceremony kahapon ng umaga, ginanap din ang turn-over ceremony ng lokal na pamahalaan ng Pikit sa pangunguna ni Mayor Sumulong Sultan ang tig isang yunit ng drone at laptop sa Pikit Police Station na tinanggap ni OIC-COP PLTCOL Romeo Calamba.
labing lima (15) na yunit naman ng desktop ang ibinigay sa tatlong distrito ng Pikit South, West at North, walo (8) na makinang panahi at walong (8) makinang pangwelding ang inilaan naman para sa Alternative Learning System ng DEPED- Pikit.
Bago pa man naganap ang naturang pamimigay, nagbigay ng pananalita si Vice Mayor Muhyryn Casi kung saan ibinahagi nito ang dahilan ng itinakdang seremonya na sinundan naman ng inspirational message ni Mayor Sultan.
Personal naman na tumanggap ng mga nabanggit na learning devices ang mga district supervisors at ALS teachers ng bayan.
Bukod kay VM Casi, kasama naman ng alkalde sa ginawang turn-over ang buong kalipunan ng Sangguniang Bayan na pinangunahan naman ni Councilor Sitty Nursheena Mocasim.