Nagsagawa ng Orientation at Investment Forum ang Bangsamoro Board of Investments (BBOI) katuwang ang Board of Investments (BOI) – Manila sa Blue Lotus Hotel, Davao City.
Dinaluhan ito ng mga stakeholder, business chambers, councils, at iba pang kinatawan mula sa iba’t ibang sektor.
Layunin ng aktibidad na magbigay ng updates tungkol sa CREATE MORE Act (RA 12066), Strategic Investment Priority Plan (SIPP), at iba pang pinakabagong polisiya sa pamumuhunan.
Nagbahagi rin ng mahahalagang kaalaman ang mga eksperto mula sa BOI-Manila upang magabayan ang mga kalahok sa pag-maximize ng mga bagong oportunidad para sa negosyo at pamumuhunan.