“Maaga pa para sa political circus”.

Ito ang binitawang salita ni Cotabato City Mayor Bruce Matabalao sa mga naging atake at banat ng oposisyon sa administrasyon nito bilang alkalde ng lungsod.

Ayon kay Matabalao, may sinumpaan itong tungkulin ng manalo ito bilang ama ng lungsod at ito ay ang serbisyo publiko ngunit tila pinapalabas ng mga bumabanat sa kanya na wala itong nagawa bilang alkaldd ng siyudad.

Hindi naman daw sya apektado ng nasabing mga banat dahil alam ng nakararami maging ang mga ito ang totoo pero pilit nila itong binabaluktot.

Dagdag pa ng alkalde, gumagawa sya ng mga paraan at aksyon ng walang camera at funfare sa publiko.

Sa huli, kahit banatan pa daw sya bilang alkalde, ay di na maiaalis ang mga magagandang nangyayari sa lungsod at ito ay kaniyang ipagpapatuloy para sa lahat.