Lubog sa baha ang kabuuang 125 barangay mula sa 13 mga bayan sa Maguindanao del Sur dahil sa pananalasa ng malalakas ng ulan.
Ayon kay Maguindano del Sur Provincial Agriculturist Jed Ulangkaya, nag papatuloy ang assessment ng Office of the Provincial Agriculture at ng Ministry of Agriculture and Agrarian Reform-BARMM upang tukuyin ang kabuuang pinsala nito sa sektor ng agrikultura.
Ang bayan ng Datu Montawal, Ampatuan, Datu Piang, Shariff Saydona Mustapha, Shariff Aguak, Datu Unsay, Datu Saudi Ampatuan, Pagalungan, Pandag, Talayan, Datu Abdullah Sangki, at Datu Hoffer ang kabilang sa mga binaha.
Ani Ulangkaya, tanging ang bayan ng Datu Piang ang labis na naapektuhan kung saan ang labing anim (16) na mga barangay nito ay lubog sa baha.