Isinagawa ng Nabalawag Municipal Police Station (MPS) kasama ang 33rd Infantry Battalion, 6th Infantry Division ng AFP ang hot pursuit at clearing operation kahapon, Pebrero 12, 2026, kasunod ng insidente ng pamamaril sa Barangay Olandang, Nabalawag SGA, BARMM.
Ayon sa ulat, ang operasyon ay nakatuon sa dalawang grupong pinaghihinalaang sangkot sa insidente ang grupo ng Tayuan mula Barangay Kudarangan at ang grupo ng Abdultayan Sandigan.
Nanguna sa operasyon si PCOL George D. Bagundol, Jr., Provincial Director ng MDN PPO, kasama si PCPT Felmor G. Estosane, Assistant Team Leader ng COP Nabalawag MPS, at mga tauhan ng 33rd IB, 6ID AFP sa pamumuno ni LTCOL German T. Legada, PA. Iniulat na nagkaroon ng pagputok mula sa hindi pa matukoy na high-powered firearms patungo sa Barangay Olandang.
Sa isinagawang clearing operation sa Barangay Kudarangan, nakumpiska ang isang Baby 60 rifle, dalawang M4 rifles, isang Garan Cal. 30, dalawang M14 rifles, at limang A1 M16 rifles, kasama ang iba’t ibang uri ng bala.
Patuloy pa rin ang masusing imbestigasyon ng mga awtoridad upang matukoy ang mga sangkot at maisagawa ang kaukulang hakbang.

















