Kulungan ang kinabagsakan ng tinaguriang bigtimer peddlers matapos itong malambat sa isinagawang drug buy-bust operation ng Sultan Kudarat PNP sa bahagi ng baryo Awang sa bayan ng Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte.

Nakuha sa tatlong durugista na kinilala ng SKMDN PNP na sina Esmael Bendong, Mantawil Saddam at Usop Sumugat Ampatuan ang tinatayang aabot sa P6.8 milyong piso na halaga ng suspected shabu.

Matagal na aniya na tinitiktikan ng mga otoridad ang tatlo at ng makahanap ng magandang tiyempo, agad nila itong nasakote.

Nahaharap na sa kasong paglabag sa RA 9165 ang mga suspek habang nakapiit sa pasilidad ng SKMDN PNP ang mga tulak.

Photo credits to the rightful owner.