Nakatanggap ang may apatnapung pamilya na apektado ng sunog sa Barangay Poblacion, Marogong Lanao Del Sur ng ayuda at tulong mula sa opisina ni BARMM Chief Minister Ahod Balawag Ebrahim sa pamamagitan ng Project Tabang kamakalawa.

Bitbit ng bawat pamilyang biktima ang tig 25 kilo na sako ng bigas, mga groserya, kitchen wares, emergency shelter kits at maging hygiene kits.

Ang nasabing tulong ay pinangasiwaan ng RRT o Rapid Reacrion Team ng Project Management Office.