Sabay sabay na naghain ng kandidatura kahapon sa tanggapan ng Davao City COMELEC ang magama na si Dating Pangulong Rodrigo Duterte at incumbent Davao City Mayor Sebastian Duterte kasama ang mga apo nito na si Omar At Rigo.
Nauna nang naghain bilang konsehal si Rigo habang si Omar naman ay naghain bilang Second District Congressman.
Tatangkain naman bumalik ni PRRD sa pagkaalkalde ng siyudad habang si Baste naman ay bababa bilang bise nito.
Naghain din sa ikatlo at huli nitong termino via Representative ang kontrobersiyal na si Davao City First District Congressman Paolo Pulong Duterte na nauna nang napabalita na magsesenador ng bansa.
Isiniumite rin ng kanyang Representante na si Atty. Elijah Pepito ang kanyang kandidatura sa opisina ng Davao City Comelec.