Nanguna sa pagiging TOP PERFORMING Governors sa Bangsamoro Region sina Maguindanao Del Sur Governor Bai Mariam Mangudadatu at Sulu Governor Abdusakur Tan.

Ito ay base sa Boses ng Bayan Job Performance Rating na isinagawa ng RPMD Foundation Inc. mula Hulyo 1 hanggang 10, 2024. Nakakuha si Mangudadatu ng 88.9% Job Performance Rating habang 83.5% naman si Tan.

Pumangatlo naman sa survey si Tawi Tawi Governor Ysmael Sali na may 81.6% habang si Lanao del Sur Governor Bombit Adiong ay nasa pangapat at nakakuha ng 78.3%. Pumanglima naman si Basilan Gov. Jim Salliman na may 76.5% habang kulelat sa panganim ang gobernador ng Maguindanao del Norte na si Gov. Sammy Gambar Macacua na may 73.1%.