Nakatanggap ng tumataginting na P2,000.00 cash ang mga habal drivers o transport group kahapon, October 17 sa Sultan Kudarat Gymnasium sa Maguindanao Del Norte.

Ito ay ang AKAP o Ayuda para sa Kapos ang Kita program na pinangangasiwaan ng DSWD at dumaraan sa tanggapan ni Congresswoman Bai Dimple Mastura.

Kabuuang 1,000 na benepisyaryo ang nakatanggap ng naturang ayuda. Hindi naman nakatanggap ang 34 na katao dahil sa dumoble na ito sa ayuda.

Ayon sa DSWD, kung nakatanggap ka na ng AKAP tatlong buwan makalipas ay di ka na ulit makakatanggap nito.