Maski mga aso, pusa maging manok na kinain ang tira-tira ay di rin kinaya ang bagsik ng lason ng inadobong pawikan na kumitil sa buhay ng tatlong katao sa isang kumunidad sa bayan ng Datu Blah Sinsuat, Maguindanao del Norte.
Sinabi ni MDRRMO Action Officer Irene Dillo, ang mga taong nasawi ay kinabibilangan ng isang 68 year old male, ang anak nito na 48 years old male at isa ring 56 year old male na mga taga Barangay Linao.
Ayon kay Dillo, binili ng mga residente ang pawikan sa halagang 300 pesos sa isang mangingisda na kabarangay din nila at nilutong paadobo style para sa kanilang tanghalian.
Nakaranas ng pagsusuka at pananakit ng tiyan ang mga kumain ng pawikan kung kaya’t dinala ang mga ito sa Lebak District Hospital. Sa ngayon, isa na lang ang nasa ospital habang ang iba ay nasa kanila nang mga tahanan ngunit masusing minomonitor ng IPHO Maguindanao.
Mga miyembro ng Teduray IP Community ang mga nasabing biktima ng deadly pawikan.