Hindi na naman nakadalo sa ipinatawag na Committee Hearing ng Committee on Finance and Appropriations ang mga inimibitahang Department Heads ng Local Finance Committee ng City LGU.

Binigyan pa ng 20 minuto ang mga ito upang makapaghanda ngunit nagpasabi na ito na hindi na ito makadadalo sa isinasagawang pagpupulong.

Ikinadismaya naman ng Chairman ng komite na si Konsehala Hunyn Abu ang nasabing di pagdalo ng mga ito.

Ang nasabing hearing sana ay tutuldok na sa usapin ng 3000 na COS workers na natanggal sa trabaho ng City LGU kamakailan.