Nagsagawang muli ng mapayapang pagkilos sa harap ng Korte Suprema sa Padre Faura Maynila ang hanay ng mga kababaihang Bangsamoro katuwang naman nito ang League of Bangsamoro Organizations o LBO.

Ito ay upang tuloy-tuloy na ipanawagang matuloy na ang BARMM Elections sa Oktubre 13 at ang di pagpayag sa pagpostpone nito.

Humiling din sila sa SC na maglabas na agad sila ng sagot sa inihaing Motion for Clarification kasunod ng tila ay panggagamit sa TRO bilang rason para ipagpaliban ang halalan sa BARMM.

Ayon pa sa grupo, simula pa lamang ito aniya ng mas mahabang laban para sa katarungan at kapayapaan.

Magtutuloy aniya ang kanilang kilos protesta sa COMELEC at Korte Suprema hanggat di tumutugon sa kanilang mga kahilingan ang dalawang panig.