Tuloy pa rin ang pagagapay at suporta ng United Bangsamoro Justice Party o UBJP sa mga kandidato nito sa lalawigan ng Sulu.

Ito ay pagtitiyak ng tagapagsalita ng partido na si Information Officer Engr. Mohajirin Ali kasunod ng deklarasyon ng korte Suprema na nagsasabing burado na sa Bangsamoro Region ang Sulu.

Kung maaalala una nang napabalita na kinumpirma ng UBJP at ng kapartner nito na Partido Federal ng Pilipinas o PFP na magpapatakbo ito ng mga kandidato sa lalawigan ng Sulu.

Matapos ang nakakagimbal na desisyon ng SC ay nawalan rin ng pagkakataon ang lalawigan na makalahok sa kauna-unahang Eleksyong pang parliamentaryo.

Sa kabila ng mga development na ito ayon kay Ali, walang mababago at wala ding maiiwan sa paghahanda ng UBJP lalo na sa mga kandidato nito sa lalawigan ng Sulu.