Dalawampu’t dalawa (22) na mga miyembro ng teroristang Bangsamoro Islamic Freedom Fighters o BIFF mula sa mga paksyon ng Karialan at Bungos, Dawlah Islamiyah Hassan at Turaife Group ang sumuko sa PNP PRO BAR nitong nakaraang linggo.

Ginanap ang seremonyas sa Kampo BGen Salipada K Pendatun sa bayan ng Parang, Maguindanao del Norte na pinangunahan nina PLtGen Michael John Dubria na Acting Deputy Chief PNP for Operations at si PRO BAR Regional Director PBGen Romeo Macapaz.

Dala dala rin ng mga dating miyembro ng violent extremist groups ang mga armas nila sa kanilang pagsuko sa pamahalaan.

Ang naging pagsuko ng mga BIFF members ay resulta ng mas malawak at tuloy tuloy na operasyon ng PRO BAR at mga katuwang nitong hanay at ang AFP at LGU officials ng Maguindanao del Sur.

Inulan naman ng papuri ni PLTGen Dubria ang mga tauhan ng PRO BAR sa tagumpay ng kanilang ginagawang miston na nagreresulta sa pagbawas ng mga violent extremists sa rehiyon.