Pinaglalamayan na ng kani-kanilang pamilya ang mga bangkay ng babae at lalaki na inanod ng baha sa Kitaotao, Bukidnon na nakita sa Lumayong River sa SGA- BARMM.
Ayon kay Cotabato Provincial Police Spokesperson Lt. James Caang, nakuha na ng kanilang pamilya ang mga bangkay.
Nabatid na ang babae ay natagpuan sa Sitio Tugunan, Barangay Buluan, Old Kaabakan, SGA-BARMM ay una na naisama sa landslide at inanod ng baha habang ang nasa estado ng pagkakaagnas na ang isang lalaki na natagpuan ng Barangay Langogan, Carmen ay naiuwi na rin sa kanilang tahanan para paglamayan.
Parehas silang nagmula sa Kitaotao, Bukidnon ngunit di magkaugnay ang kanilang pagkaanod at pagkakatagpo sa naturang lugar.