Nagkaisa sa pagtawag ng mapayapang halalan sa darating na Mayo 2025 at panunumbalik ng Lalawigan ng Sulu sa BARMM ang religious leaders group na Mindanao Religious Leaders Conference o MIRLEC.
Isinagawa noong Oktubre 8 at 9 a Davao ang naturang pagtitipon na nilahukan ng mga Kristiyanong pari at bishops, mga Ulama ng relihiyong Islam at mga kinatawan mula sa mga representante ng CBCP maging mga ibat ibang konseho ng simbahan sa buong pilipinas.
Ayon sa grupo, kanilang hinihimok ang mga political leaders na siguruhin ang maayos at walang bahid ng karahasan ang kauna-unahang Bangsamoro Parliamentary Elections ngayong 2025.
Ayon din sa kanila, kanila ring ipinapanawagan ang pagbabalik ng lalawigan ng Sulu sa rehiyon upang masiguro ang inklusibong pagkakaisa sa rehiyon bukod pa sa kanilang apela na ingatan ang mga bunga na nagawa ng Bangsamoro Peace Process.
Ang naturang patawag ay iniorganisa ng OPAPRU katuwang ang iba pang mga sosyo sibikong organisasyon.
Ang grupo naman ay matuwid sa kanilang paniniwala na ang pagkakaisa ng mga Moro, Kristyano at mga IP’s ay mahalaga upang makamit ang pangmatagalang kapayapaan at pagunlad ng Mindanao na nadidiskaril dahil sa mga digmaang nagaganap dito.