Humarap sa mga mamamahayag ang mga tradisyonal at mga lokal na pinuno sa ilalim ng United Bangsamoro Justice Party o UBJP upang itanggi na hinarrass o tinakot sila ni Special Assistant to the President Anton Lagdameo upang dumalo sa naging pagpupulong sa lungsod ng Davao.
Ayon sa mga alkalde, kusang loob at di sapilitan ang kanilang pagpunta sa siyudad ng Davao. Ginawa nila aniya ang pagpunta sa Davao upang suportahan si MDS Governatorial Aspirant Datu Ali Midtimbang sa ginanap na consultative meeting ng partido.
Mas minabuti na rin aniya ng mga alkalde ng MagSur na kunin sa Davao ang CONA ng PFP imbis na sa Maynila pa ito mangagagaling.
Hindi aniya sila pwedeng takutin ng sinuman at hindi sila tinakot. Prosperous naman na maituturing ni Pandag Mayor Toy Mangudadatu ang nasabing pag-uusap sabay pagpapasalamat pa nito kay SAP Anton.
Samantala, itinuturing naman na very libelous ng dating gobernador at kongresista ng Maguindanao na si Toto Mangudadatu ang mga patutsada ng kabilang kampo kay SAP Lagdameo.
Kung mayroon man aniyang ebidensya silang pinanghahawakan ay dapat itong ilabas sa publiko. Ayon kay Mangudadatu, ipinarating lang ni Lagdameo ang mga programa ng nasyonal para sa rehiyon.
Hinamon din ng dating mambabatas ang mga dumadakdak ng laban sa naturang SAP na kung sila man ay napilayan sa naging paglipat ng kanilang mga kaalyado ay wag na magalit sabay hirit nito na kapag iniwan na dapat ng tao ay wag na sana dumakdak at ipaubaya na lamang sa Diyos ang kanilang ginawa.