Abot-abot ang pagkadismaya ng isang motorista na galing pa sa BARMM matapos na ideklarang peke at di kinilala ng Land Transportation Office sa kalakhang Maynila ang kanyang lisensya na iprinisenta sa isang transaksyon sa isang mall sa Ortigas, Pasig.
Kinuha nito sa Bangsamoro Land Transportation Office ng rehiyon ang lisensya na iprinisenta nito sa narurang transaksyon. Nagtaka diumano ang staff ng naturang opisina matapos na di makita sa sistema ng LTO ang detalye ng lisensya sanhi upang dalhin ito sa pinakamalapit na tanggapan ng LTO upang icheck subalit nadeklara itong peke at binutasan upang maging null and void ang naturang card.
Dahil dito, nagpahayag naman ng paliwanag ang BLTO na magkaina ang sistema na ginagamit ng kanilang tanggapan at ng mismong LTO Manila at ang BLTO at gumagamit aniya ng LTO-IT system na binuo ng Stradcom habang LTMS naman ng Dermalog ang gamit ng LTO.
Aniya, di aniya nagkatugma o unintegrated ang dalawang sistemang gamit dahilan upang di kilalanin ang mga dokumentong iniisyu ng BLTO. Matatandaang una na rin na sumabog ang pagkumpiska ng mga LTO officers ng mga BLTO issued licenses at pinapatawan rin nito ang mga may hawak ng nabanggit ng multa.
Ang masakit pa rito ay sapilitan rin silang pinakukuha ng bagong lisensya na mula mismo sa LTO.
Nananatili namang umaasa ang mga motorista na may hawak na BLTO issued documenrs na masolusyunan agad ng dalawang ahensya ang nasabing usapin upang di na maulit ang ganitong pangyayari.