Mahigit sa apatnapu (40) na mga loose firearms o yung mga walang kaukulang papeles na mga armas na mula sa sampung mga barangay sa lungsod ng Cotabato ang isinuko sa mga alagad ng batas ngayong araw ng Biyernes, Nobyembre 29.

Ang pormal na pagsuko ay isinagawa mismo ngayong hapon sa Peoples Palace ng lungsod.

Ang pagsuko ng mga ito ay resulta ng intensibo na small arms and light weapons program ng Marines, JTF Central, kapulisan at ng lokal na pamahalaan.

Pauna pa lang aniya ang mga isinuko at marami pa aniya ang isusuko pa at mahihikayat na magsuko rin ng kanilang mga loose firearms.