Inaprubahan ng Bangsamoro Transition Authority (BTA) Parliament ang Bangsamoro Memorial Marker Act of 2024, kilala rin bilang Parliament Bill No. 35, sa ikatlo at huling pagbasa nito noong Agosto 19, sa Bangsamoro Government Center sa Cotabato City.
Ang batas, na isinulong ng Government of the day, ay magtatayo ng Bangsamoro Memorial Marker at Eco-Park sa Camp Abubakar sa Barira, Maguindanao del Norte. Layunin ng inisyatibang ito na parangalan ang mga shuhada (martir) ng pakikibaka ng Bangsamoro na nagbigay ng kanilang buhay para sa sariling pagpapasya at kalayaan.
Naprubahan ang batas sa pamamagitan ng 48 paborableng boto, walang tutol, at walang abstensyon.
Binibigyang-diin ni Member of the Parliament (MP) Engr. Baintan Ampatuan, na isa ring Co-Chairperson ng Joint Task Forces on Camps Transformation ng Gobyerno ng Pilipinas (GPH), na ang nasabing batas ay ayon sa normalization track ng Comprehensive Agreement on the Bangsamoro (CAB)—ang huling kasunduan sa kapayapaan na nagtapos sa dekadang hidwaan sa pagitan ng GPH at Moro Islamic Liberation Front (MILF).
“This initiative is in line with the Camps Transformation Plan (CTP) that the six camps, especially Camp Abubakar, have adopted. Therefore, this is supportive of the initiatives under normalization,” ani MP Ampatuan.
Ang CTP ay anim na taong plano na magbibigay ng pangkalahatang proseso at direksyon para sa pagbabago ng kampo at magsisilbing roadmap sa pag-transforma ng anim (6) na kampo ng MILF sa mga mapayapa at produktibong komunidad.
Dagdag ni MP Atty. Jose Lorena, ang pagmememorialize sa mga nag-ambag sa armadong pakikibaka ay nagsisilbing paalala sa mga susunod na henerasyon ng patuloy na pag-unlad ng proseso ng kapayapaan ng Bangsamoro.
Ang panukala, na iniharap noong Setyembre 2022, ay sumasalamin sa pangako ng Gobyerno ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) na lumikha ng isang tumutugon at epektibong burukrasya, kasunod ng prayoridad na agenda ni Chief Minister Ahod Ebrahim.