Good news sa mga manggagawa na nakabase sa SOCCSKSARGEN region! Aprubado na ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board 12 ang wage increase o umento sa inyong mga sinasahod.

Ito ay sa bisa ng Wage Order Number RBXII-24 simula sa Oktubre 17 nitong taon.

Ang mga empleyado na nasa pribadong mga kumpanya o establisyimento ay makakatanggap ng 27 hanggang 48 pesos na umento sa arawang kinikita.

Ang naturang umento ay ibibigay in two tranches o dalawang bagsakan para sa agrikultural at di-agrikultural na sektor sa Oktubre 17, 2024 hanggang sa unang araw ng Enero ng susunod na taon habang ang nasa Retail and Service na sektor ng manggagawa ay ibinigay ng Four Tranches o apat na bagsak at magsisimula sa Oktubre 17, 2024 hanggang Hunyo 1 ng susunod na taon.