Tepok ang dalawang mga miyembro ng armed lawless group matapos na maka engkwetro nila ang mga pulis at sundalong rumeresponde sa Barangay Lagandang, Isulan, Sultan Kudarat, araw ng Lunes, July 29.

Ayon kay 7th Infantry Battalion Commader na si Lt. Col. Tristan Rey Vallescas, mayroon umanong rido sa pagitan ng MILF at MNLF sa lugar na hindi pa rin na aareglo. Dahil dito, agad na nag sipag likas ang mga sibilyan matapos targetin ng mga sangkot sa nasabing rido ang mga kapulisan at sundalo na nag sasagawa lamang ng Law Enforcement Operation sa nasabing lugar at nag resulta ito ng pagkakapatay ng dalawang miyembre ng naturang grupo.

Samantala, ayon naman kay MajGen. Antonio Nafarrete, ang 6th Infantry Division at Joint Task Force Central Commander, ang nasabing Law Enforcement Operation ng militar ay nag lalayon lamang na disarmahan at hulihin ang mga sangkot sa kaguluhan na nanghaharass ng mga sibilyan sa naturang lugar.

Nasabat naman sa Clearing Operations ang dalawang M16 Rifles, dalawang Barret Rifles, isang 60 mm Mortar, M60 Machine Gun, M203 Tube, Cal. 22 Rifle, at mga bala.