Napasakamay na ng CIDG-RFU-BAR ang tatlong most wanted na estapador kahapon sa Sitio Lomboy, Barangay Awang sa bayan ng Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte.

Ang tatlong di na pinangalanan ay nahuli sa isinagawang Oplan Pagtugis ng CIDG laban sa mga kaso nito na Estafa at may piyansang inirekomenda na aabot sa P72,000.00.

Nasa kustodiya na ng CIDG Maguindanao Provincial Field Unit Office ang tatlong suspek para sa naaayong disposisyon at mapanagot sa kanilang mga kaso.