Malugod na binati ng United Bangsamoro Justice Party o UBJP ang mga bagong talagang OIC-officials sa tinaguriang Special Geographic Areas o SGA ng Bangsamoro region.

Sa panayam ng Star FM Cotabato, kay UBJP Spokesperson Engr. Mohajirin Ali, inaasahan nito na magiging matagumpay ang bawat bayan na nakapagtalaga ng mga OIC Mayors, Vice Mayors maging mga Konsehales.

Ayon pa kay Ali, Ministry of Interior and Local Government o MILG na ang bahala sa mga bagong talagang opisyales at MILG na rin ang magsasaayos ng mga ito para sa episyente at tamang pamamahala.

Ganito rin ang senaryo ng mahati ang Maguindanao del Norte at Maguindanao Sur kung saan naging matagumpay ito.

Magiging maganda rin ang legislative at executive relations kung agad agad itong maisasaayos.

Siinabi ni Ali na hangad rin ng UBJP ang maayos at matiwasay na pamamahala ng mga bagong talaga na opisyales ng SGA BARMM.

Samantala, dagdag pa ni Eng. Ali na kahit anong oras ay pwedeng mapalitan ang mga na-appointment na OIC mula Mayor, Vice Mayor, at mga Councilors, kung hindi magampanam ang sinumpaang katungkulan.